Monday, March 3, 2014

[Blog Tour - Spread Feature] Ang Ikaklit sa Aming Hardin

Ang Ikaklit sa Aming Hardin (Ikaklit in Our Garden)
ANG IKAKLIT SA AMING HARDIN
(Ikaklit in Our Garden)
By Bernadette Villanueva Neri
Art by CJ De Silva
English Translations by Jennifer Del Rosario-Malonzo
Lay-out by Jennifer Padilla-Quintos
Publikasyong Twamkittens, 2012

Tungkol sa Aklat
Aklat-pambatang tumatalakay sa mga di-kumbensiyunal at di-tradisyunal na pamilya ang Ang Ikaklit sa Aming Hardin (2012). Partikular nitong tinutuunan ang mga hámong hinaharap ng isang batang may dalawang nanay.
LINKS
Panayam sa mga manlilikha (Interview with the Creators)
  • Manunulat (Det). http://www.youtube.com/watch?v=4IHOcloUho0
  • Gumuhit (CJ). http://www.youtube.com/watch?v=RxEVBijAvTc
  • Nagsalin sa Ingles (Ate Jeni). http://www.youtube.com/watch?v=nxKiDUJTxSk
  • Nag-layout (Ate Poti). http://www.youtube.com/watch?v=IHgrzEvcFAo
Video Blurbs
  • Vlad Gonzales (Guro, Kritiko, Manunulat). http://www.youtube.com/watch?v=NdKF9QrQj74
  • Rose Torres-Yu (Guro, Kritiko, Manunulat). http://www.youtube.com/watch?v=aU9VZjx-zDU
  • Poti Padilla-Quintos (Nanay). http://www.youtube.com/watch?v=_mGn5kV_5Nc
  • Ging, Rose & Roni (Rainbow Family). http://www.youtube.com/watch?v=PJSLAweBEbc
  • Roni (Batang may dalawang nanay). http://www.youtube.com/watch?v=Net09DFwbXs
Teaser - http://www.youtube.com/watch?v=sadP76IWbaw

The Spread





Tungkol sa mga Manlilikha

NAGSULAT

Nagtapos ng MA Filipino: Malikhaing Pagsulat si Bernadette Villanueva Neri sa UP Diliman at BA Mass Communication major in Journalism sa UP Baguio. Kumakatha siya ng mga kuwentong pambata, sanaysay, dula, at maikling kuwentong lesbiyana (na binansagan niyang “naratibô” o naratibo ng mga tibô). Kasalukuyan siyang nagtuturo sa UP Diliman, kasabay ng pagkuha ng duktorado sa Malikhaing Pagsulat sa parehong paaralan. Kasama niya ngayon sa bahay ang limang muning na tulad niya’y mahilig din sa ikaklit at iba pang mga halaman.

GUMUHIT

Si CJ de Silva ay nakilala bilang Promil Kid sa mga commercial nito noong 90s. Ngayon, si CJ naman ang gumagawa ng mga patalastas bilang Art Director sa isang advertising agency. Hilig pa rin niya ang magpinta at gumuhit.




NAGSALIN SA INGLES

Nanay ng dalawang munting binibi si Jennifer del Rosario-Malonzo. Siya ay isang manunulat, editor, mananaliksik, at aktibista. Nag-aral siya ng peryodismo sa Unibersidad ng Pilipinas at kasalukuyang nagtatrabaho sa isang internasyunal na organisasyon. Mahilig siya sa tula at potograpiya, at nait matutong maggitara.

NAG-LAYOUT

Si Jennifer T. Padilla-Quintos ay nanay ng dalawang masayahing batang sina Gaby at Joaquin. Isa siyang graphic artist, art teacher at manggagawang pangkultura. Nagtapos siya ng Fine Arts sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman.


Don't Forget to Join the Giveaway!


No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...