"Ngumiti si Andoy"
Kuwento ni Xi Zuq
Guhit ni Dominic Agsaway
Inilimbag ng Adarna House (2013)
Link: Goodreads
Tungkol sa Aklat:
Ngumiti si Andoy. Ito ang simula ng kuwento ni Andrew na nagsimula sa kanilang Heroes Park. Gusto lamang niya na iguhit ang estatwa ni Andres Bonifacio nang matuklasan niya ang ilang lihim sa buhay ng bayani. Sa pagdiriwang ng ika-150 kaarawan ni Andres Bonifacio, inihahandog ng Adarna House ang Ngumiti si Andoy, isang aklat tungkol sa buhay ng bayani. Batay ang kuwento at guhit ng aklat sa mga nagwagi sa 2013 Philippine Board on Books for Young People-Salanga at Alcala Prize [pbby.org.ph]. Hanapin ang Ngumiti si Andoy sa Adarna House showroom at sa pinakamalapit ng book store sa inyo.
Tungkol sa Manunulat:
Si Xi Zuq ay isang guro, manunulat at mambabasa mula sa Lungsod ng Heneral Santos. Kasapi siya ng Kuwentista ng mga Tsikiting (KUTING) at Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA). Bisitahin siya sa www.xizuqsnook.com.
Si Dominic Agsaway ay isang ilustrador ng komiks at librong pambata. Siya ay miyembro ng Ang Ilustrador ng Kabataan. Nagtapos siya sa Unibersidad de Santo Tomas (UST) at madalas rin tumambay sa parke habang naghihintay ng sundo. Maaari ninyo siyang ma-email sa agsaway@gmail.com.
Don't forget to join the giveaway!
No comments:
Post a Comment