"Ngumiti si Andoy"
Kuwento ni Xi Zuq
Guhit ni Dominic Agsaway
Inilimbag ng Adarna House (2013)
Link: Goodreads
Tungkol sa Aklat:
Ngumiti si Andoy. Ito ang simula ng kuwento ni Andrew na nagsimula sa kanilang Heroes Park. Gusto lamang niya na iguhit ang estatwa ni Andres Bonifacio nang matuklasan niya ang ilang lihim sa buhay ng bayani.Sa pagdiriwang ng ika-150 kaarawan ni Andres Bonifacio, inihahandog ng Adarna House ang Ngumiti si Andoy, isang aklat tungkol sa buhay ng bayani. Batay ang kuwento at guhit ng aklat sa mga nagwagi sa 2013 Philippine Board on Books for Young People-Salanga at Alcala Prize [pbby.org.ph]. Hanapin ang Ngumiti si Andoy sa Adarna House showroom at sa pinakamalapit ng book store sa inyo.
Excerpt:
Left - Original Text
Right - Translation
Una kong iginuhit si Andres Bonifacio, ang Ama ng Himagsikan.
Matapang at matikas niyang itinuturo ang kaniyang bolo sa mga kaaway.
Habang nagbubura ako ng mga maling linya, may napansin akong gumalaw!
Nakaupo na si Andres Bonifacio! Hinablot pa nito ang isang postkard ko!
“Ginoong Andres Bonifacio,” nangangatog kong sabi, “ibalik ninyo na po
ang postkard ko.”
Hindi siya sumagot. Binabasa niya ang postkard na may mukha niya.
“Ama ng Himagsikan,” Kumunot ang noo ni Andres.
“Opo, bayani po kayo,” sabi ko sabay lunok ng laway. “Pakibalik na po ang postkard ko.”
Hindi siya sumagot. Binasa niya pa ang mga nakasulat sa likod ng postcard.
“Ay! Kung gusto ninyo po, sa inyo na lang po ‘yan. Magpapabili na lang po ulit ako.”
Dahan-dahan akong tumalikod para tumakas nang biglang kinalabit niya ako.
Sumenyas siyang lumapit ako sa kaniya.
“Lalapit po ako pero ibababa ninyo po muna ang bolo.”
At ibinibaba nga niya ang bolo.
Umupo ako nang may isang dipang layo mula sa kaniya.
“Maraming kulang sa postcard mo,” sabi ni Andres Bonifacio sa malakas na tinig.
“Tulad ng ano po?” tanong ko sa maliit kong boses.
“Na puwede mo akong tawaging Andoy. Na mas madalas ako humawak ng baril kaysa
bolo. Na di lang mga Espanyol ang naging kaaway ko. Na walang kapantay ang
pagmamahal ko kay Oryang.”
At doon nagsimula ang mahaba niyang kuwento tungkol sa buhay niya.
Matapang at matikas niyang itinuturo ang kaniyang bolo sa mga kaaway.
I first drew Andres Bonifacio, the Father of the Revolution.
With strength and courage, he aimed his bolo at the enemies.
Habang nagbubura ako ng mga maling linya, may napansin akong gumalaw!
Nakaupo na si Andres Bonifacio! Hinablot pa nito ang isang postkard ko!
“Ginoong Andres Bonifacio,” nangangatog kong sabi, “ibalik ninyo na po
ang postkard ko.”
While erasing some wrong lines, I thought I saw something move.
Andres Bonifacio was sitting in front of me! He even grabbed one of my postcards!
“Mister Andres Bonifacio,” I said, my voice shaking, “please give me back my postcard.”
Hindi siya sumagot. Binabasa niya ang postkard na may mukha niya.
“Ama ng Himagsikan,” Kumunot ang noo ni Andres.
“Opo, bayani po kayo,” sabi ko sabay lunok ng laway. “Pakibalik na po ang postkard ko.”
Hindi siya sumagot. Binasa niya pa ang mga nakasulat sa likod ng postcard.
He didn’t answer. He read the details printed on the postcard about him.
“Father of the Revolution,” Andres wrinkled his forehead.
“Yes, you’re a hero, sir,” I said and swallowed hard. “Please return my postcard.”
He didn’t answer. Instead he read what was on the back of the postcard
“Ay! Kung gusto ninyo po, sa inyo na lang po ‘yan. Magpapabili na lang po ulit ako.”
Dahan-dahan akong tumalikod para tumakas nang biglang kinalabit niya ako.
Sumenyas siyang lumapit ako sa kaniya.
“Lalapit po ako pero ibababa ninyo po muna ang bolo.”
At ibinibaba nga niya ang bolo.
Umupo ako nang may isang dipang layo mula sa kaniya.
“Ay! You can have it if you want. I’ll ask Nanay to buy me another one.”
I slowly turned to escape when he suddenly tapped my back.
He signaled me to come near him.
“I’ll come closer if you put down your bolo.”
And he put down his bolo.
I sat an arm-stretch away from him.
“Maraming kulang sa postcard mo,” sabi ni Andres Bonifacio sa malakas na tinig.
“Tulad ng ano po?” tanong ko sa maliit kong boses.
“Na puwede mo akong tawaging Andoy. Na mas madalas ako humawak ng baril kaysa
bolo. Na di lang mga Espanyol ang naging kaaway ko. Na walang kapantay ang
pagmamahal ko kay Oryang.”
At doon nagsimula ang mahaba niyang kuwento tungkol sa buhay niya.
“What you have in your postcard is not complete,” Andres Bonifacio said in a loud voice.
“What have I missed, sir?” I asked softly.
“That you can call me Andoy. That I held a gun more often than a bolo. That the
Spaniards were not my only enemies. That nothing could match my love for Oryang.
He then started on the long story of his life.
Tungkol sa Manunulat:
Si Xi Zuq ay isang guro, manunulat at mambabasa mula sa Lungsod ng Heneral Santos. Kasapi siya ng Kuwentista ng mga Tsikiting (KUTING) at Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA). Bisitahin siya sa www.xizuqsnook.com.
Si Dominic Agsaway ay isang ilustrador ng komiks at librong pambata. Siya ay miyembro ng Ang Ilustrador ng Kabataan. Nagtapos siya sa Unibersidad de Santo Tomas (UST) at madalas rin tumambay sa parke habang naghihintay ng sundo. Maaari ninyo siyang ma-email sa agsaway@gmail.com.
No comments:
Post a Comment